Manila, Philippines – Bigo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maipamahagi ang cash cards para sa mga driver ng pampasaherong jeepney.
Kahapon ay nakatakda sana ang distribusyon ng nasa sampung libong cash cards, sa ilalim ng Pantawid Pasada Program (PPP) sa PUJs.
Paliwanag ni LTFRB Chairman Martin Delgra, nagkaroon ng concensus ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB na ipamahagi na lamang ang sampung libong cash cards na naglalaman ng tig-limang libong piso, kaysa sa buwanang P833.00.
Gayunman, sinabi ni Landbank President Alex Buenaventura na posibleng sa susunod na Linggo na lang ang distribusyon ng cash cards.
Ang cash cards mula sa pamahalaan ay layong tulungan ang mga jeepney operator at drivers na apektado ng excise tax sa mga produktong petrolyo.