Thursday, September 17, 2026

Full Alert Status, itataas sa NCRPO para sa Sept. 21 Martial Law anniversary

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na isasailalim ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa full alert status para sa anniversary ng deklarasyon ng martial sa Sept. 21 sa darating na Lunes.

Sa press briefing na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co na ang nasabing status ay epektibo ng 12:01 ng madaling araw ng September 19, Sabado.

Kaugnay nito, nasa higit 15,000 na mga pulis ang ide-deploy sa Metro Manila para sa nasabing posibleng aktibidad.

Sa ngayon ay wala namang namo-monitor na banta ang PNP para sa Sept. 21.

Facebook Comments