Thursday, September 17, 2026

Isa sa kapwa akusado ni ex-speaker Romualdez bukod kay Zaldy Co, nasa labas na rin ng bansa – BI

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nasa labas na ng bansa ang kapwa akusado ni dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa BI, sa apat na inilagay sa Hold Departure Order (HDO) ng Sandiganbayan ay dalawa sa mga ito ang nasa labas ng bansa.

Ito ay sina dating Cong. Zaldy Co at Joselyn Serenio habang nasa Pilipinas sina Romualdez at Felicito Guevarra.

Ayon sa BI, nasa labas na ng bansa ang dalawang nasa HDO bago pa man ilabas ang kautusan ng anti-graft court.

Tumanggi nang magbigay ng iba pang impormasyon ang ahensiya kaugnay sa kanilang pagbiyahe alinsunod naman sa Data Privacy Act at iba pang kaukulang batas.

Sa kabila nito, patuloy aniya nilang ipatutupad ang HDO at gagawin ang nararapat na hakbang ng immigration sa ilalim ng kanilang mandato.

Facebook Comments