Thursday, September 17, 2026

Pagtanggap ng P75-million na donasyon ni Sen. Marcoleta, naging iligal dahil siya ay nakaupo pang kongresista noon — witness

Mariing iginiit ni Atty. Maria Melinda Samaniego Mananghaya-Henson, Luzon Field Investigation Bureau Director, sa pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division ngayong Huwebes, Sept 17 na hindi mali-legitimize ng pagbabayad ng buwis ang P75-million na donasyong natanggap ni Senator Rodante Marcoleta mula sa 3 kapuwa-akusado sa kasong plunder.

Ayon kay Mananghaya-Henson, sa una pa lang ay hindi na dapat tinanggap ni Senator Marcoleta ang nasabing donasyon kahit sabihing magkakilala o magkaibigan sila, dahil siya ay kongresista o opisyal ng gobyerno.

Kinukunsidera rin umanong unexplained o ill-gotten wealth ang anumang perang nakuha ng mga opisyal ng gobyerno, lalo na kung hindi ito nagmula sa sarili nilang sweldo o honorarium.

Dagdag pa rito, posible rin umanong makompormiso ang trabaho ng senador para sa publiko, noong kongresista pa lang ito, dahil mismong si Senator Marcoleta umano ang kusang sumunod sa hiling ng 3 kapuwa-akusado na huwag silang pangalanan bilang donors o contributors, kahit kailangan.

Maliban dito, itinuturing din umanong “utang na loob” ng senador sa 3 kapuwa-akusado ang nasabing donasyon, lalo’t alam umano ng mga contributor na nasa posisyon ang pinagbigyan nila ng donasyon.

Facebook Comments