Manila, Philippines – Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kinakailangan ang full review sa kaso ng mga hinihinalang drug lord na inabswelto ng DOJ. Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni PCCO Secretary Martin Andanar, na hindi umano masaya ang Pangulo sa naging desisyon ng DOJ kayat inatasan nito si Aguirre na muling pag-aralan muli ang naturang kontrobersyal na kaso. Paliwanag ni Andanar na hindi umano katanggap-tanggap sa Pangulo ang naturang desisyon kung saan dismayado ang Pangulo sa naturang hakbang ng DOJ sa pag-abswelto sa mga inaakusahang mga drug lords. Giit ni Andanar na hindi natutuwa umano ang Pangulo sa naging desisyon ng DOJ sa pag-abswelto sa mga hinihinalaang drug lords dahil alam umano ng lahat na mahigpit ang kampanya ng Pangulo laban sa iligal na droga.
FULL REVIEW | DOJ, inatasan ng Pangulo na imbestigahan muli ang pag-abswelto sa mga drug lord – Secretary Andanar
Facebook Comments