Siniguro ni Philippine Army Commanding General Lieutenant General Romeo Brawner ang full transparency ng Philippine Army sa isasagawang Annual General Inspection (AGI) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ginawa ni Brawner ang pagtiyak matapos mag-courtesy call si AFP Inspector General Lt. Gen. William N. Gonzales sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio para pag-usapan ang AGI.
Ayon kay Brawner, importante ang pagkakaroon ng regular na honest-to-goodness “investigation, inspection, evaluation, and assessment”, para kung may anumang problema sa Philippine Army ay matukoy ito agad at magawan ng solusyon.
Utos ni Brawner sa lahat ng army units na ibigay ang kanilang buong kooperasyon sa General Inspection team.
Ang Philippine Army ay nakatanggap ng 91.44% rating para operational readiness, mission accomplishment, utilization of resources, state of morale, welfare, at discipline sa AGI noong nakaraang taon.