Miss Poland, kinoronahan bilang Miss World 2021; pambato ng Pilipinas na si Tracey Maureen Perez, nagtapos sa top 12

Kinoronahan bilang Miss World 2021 ang pambato ng Poland na si Karolina Bielawska, sa ginanap na grand coronation night ng 70th Miss World pageant sa Puerto Rico ngayong araw.

Tinalo ng Polish model at beauty queen na si Karolina ang mahigit 39 kandidata mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Nasungkit naman ng pambato ng Amerika na si Shree Saini ang 1st Runner-Up habang inuwi naman ng pambato ng Ivory Coast na si Olivia Yace ang 2nd Runner-Up.


Bigo namang makuha ni Tracy Maureen Perez ang korona matapos bigong makalagpas sa Top 13.

Samantala, nag-alay ng kandila ang mga hurado at kandidata sa kasagsagan ng kumpetisyon bilang suporta sa Ukraine kasunod ng nagpapatuloy na pakikipaglaban nito sa bansang Russia.

Facebook Comments