Mungkahing Tsaleko ng POSD, Inayawan sa City Council!

Cauayan City, Isabela – Hindi sinang-ayunan ng City Council ang iminungkahing tsaleko para sa mga traysikel draybers sa Cauayan City.

Sa ginanap na Committee Meeting ng mga SP Members at sa pangunguna ni Vice Mayor Leoncio Dalin Jr., ipinakita ni Chairman Edwin Lucas ng Public Order Safety Division o POSD ang chaleco na umanoy napagkasunduan na lahat ng TODA president ng Cauayan City sa ginanap na pagpupulong nila kamakailan.

Layunin umano sa pagsuot ng tsaleko ng mga traysikel draybers na makita at makilala agad dahil may pangalan,logo, at malaking numero sa likod sakaling may nagawang kasalan ang isang tricycle driver.


Ngunit ayon kay City Vice Mayor Dalin, mayroon na dating tsaleko ang mga traysikel draybers na ibinigay mismo ng City Mayor.

Sinusugan nman ito ni SP Member Edgar M. De Luna at aniya pawang mga presidente ng TODA lamang ang sumang-ayon at hindi lahat ng miyembro ng tricycle isa pa umano ay maaring mabigat sa bulsa ng mga drivers ang halagang 200 pesos na bayad ng tsaleko.

Gayunpaman idudulog parin umano ni POSD Chairman Lucas ang usaping ito sa tanggapan ni City Mayor Bernard Faustino M.Dy dahil ang tanging hangarin umano dito ay makita na may parang uniporme ang mga traysikel draybers at makita rin na ang Cauayan ay ideal city of the North.

Umaasa pa si Chairman Lucas na magkaroon ito ng isang ordinansa para maisuot araw-araw at pwedeng hulihin kapag hindi isuot.

Wala rin umanong problema kung pwedeng gamitin ang dating tsaleko na ibinigay ng mayor sa mga drivers at maari namang lagyan ng logo,pangalan, lugar at malaking numero.

Facebook Comments