Home Dagupan IFM 104.7 Dagupan PINALAWAK NA BOLINAO COMMUNITY HOSPITAL, MAGKAKAROON NG 64 BED CAPACITY

PINALAWAK NA BOLINAO COMMUNITY HOSPITAL, MAGKAKAROON NG 64 BED CAPACITY

0
PINALAWAK NA BOLINAO COMMUNITY HOSPITAL, MAGKAKAROON NG 64 BED CAPACITY

Sinimulan na ang pagtatayo ng bagong Bolinao Community Hospital sa Barangay Liwa-Liwa, Bolinao, Pangasinan.

Pinasinayaan ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ang groundbreaking ceremony para sa proyekto.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, papalitan ng bagong tatlong palapag na gusali ang kasalukuyang ospital sa Barangay Sampaloc na mayroon lamang 25-bed capacity.

Sa bagong pasilidad, inaasahang madaragdagan ito sa 64-bed capacity at lalagyan ng mas makabagong kagamitang medikal upang mas mapalawak ang serbisyong pangkalusugan sa bayan.

Layunin ng proyekto na mapabilis at mapabuti ang serbisyong medikal, lalo na para sa mga residente ng Western Pangasinan na nangangailangan ng agarang gamutan.

Itinuturing din ng pamahalaan na malaking hakbang ang proyekto upang mas mailapit sa mga komunidad ang kanilang karapatan sa usapin ng serbisyong pangkalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments