Gabinete ni PBBM, tiyak na suportado ang pagsusulong ng Kamara sa Cha-Cha

Mas nahihikayat ngayon ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan na ipagpatuloy ang pagsusulong sa panukalang amyendahan ang mga restrictive economic provisions sa 1987 Constitution.

Ayon kay Committee on Constitutional Amendments Chairman at Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez, bunsod ito ng mga inilabas na statements at position papers ng pagsuporta sa Charter Change (Cha-Cha) ng mga miyembro ng economic team at cabinet officials ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Diin ni Rodriguez, layunin ng pag-amyenda sa Saligang Batas na padaliin ang mga proseso ng pagpasok ng mas maraming dayuhang pamumuhunan.


Pangunahing tinukoy ni Rodriguez si Finance Secretary Benjamin Diokno na nagpahayag ng lubos na pagsang-ayon sa itinutulak na constitutional amendments ng Mababang Kapulungan.

Dagdag pa ni Rodriguez, maging ang economic team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na pinamumunuan ni dating Finance secretary Carlos Dominguez, ay pabor din na baguhin ang economic provisions sa ating Konstitusyon.

Facebook Comments