Gabriela, ipoproklama na bilang nanalong Party-list —COMELEC

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na ipoproklama na ang Gabriela bilang ika-64 na party-list na nanalo nitong 2025 Midterm Elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, si dating Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago ang magsisilbing kinatawan ng Gabriela.

Ito ay dahil si Elago ang first nominee ng naturang party-list.

Pero sabi ni Garcia, sa ngayon ay hindi pa raw naaabisuhan ang grupo.

Una nang kinalampag ng iba’t ibang grupo ang Comelec upang ideklara ang Gabriela na nanalo matapos tuluyang kanselahin ang registration ng Duterte Youth Party-list.

Facebook Comments