GAD Seminar sa Cauayan City, Nag-umpisa na Ngayong Araw!

24

Cauayan City, Isabela – Inumpisahan na ngayong araw, March 13,2018 ang Gender And Development o GAD orientation/seminar para sa lahat ng empleyado ng city government na isinasagawa ito sa Bamboo Hall ng Cauayan City Municipal Office.

Ipinaliwanag ni City Admintrator Jose Abad na ang tatlong araw na oryentasyon ay hanggang sa ika 15 ng buwang kasalukuyan kung saan ito umano ay bahagi din ng paggunita sa International Womens Month.

Ito rin umano ay mula sa kautusan o paalala ng Department of Interior and Local Government o DILG na kaagad ding naipaabot sa lahat ng department heads upang magsagawa ng schedule force.

Sinabi pa ni CD Abad na lahat ng empleyado ay nabigyan na ng sariling oras o schedule sa pagdalo ng naturang training upang di maapektuhan ang kanilng mga trabaho kung saan ito ay may dalawang sesyon kada araw, isa sa umaga at isa rin sa hapon.

Pangunahing tatalakayin sa 3 days seminar ay patungkol sa bawat kasarian,papel ng bawat isa at pag-unlad para sa kinabukasan.

Facebook Comments