DISMISSED DRUG CASE | Drug lists ni Pangulong Duterte, unreliable daw

76

Manila, Philippines – Naniniwala si Magdalo Rep. Gary Alejano na unreliable o hindi kapanipaniwala ang drug list na inilabas noon ni Pangulong Duterte.

Ang reaksyon ay kasunod ng pagkaka-dismiss ng DOJ sa drug cases ni Kerwin Espinosa, negosyanteng si Peter Lim at Peter Go dahil na rin sa kawalan ng matibay na ebidensya.

Giit ni Alejano, ipinapakita lamang ng pagkakabasura sa mga kaso nila Espinosa, Co at Lim na kaduda-duda at kwestyunable ang drug list ni Pangulong Duterte.

Dismayado ang kongresista dahil ang mga pinaghihinalaang bigtime drug lords ay abswelto pero ang mga mahihirap na nasa druglist ay agad na pinapatay na isa umanong malaking kaipokritohan sa kasalukuyang justice system ng bansa.

Mistula aniyang arbitrary o random choice of killings lamang ang nangyari sa war on drugs ng pamahalaan.

Facebook Comments