Manila, Philippines – Handa ang kampo ni dating Senator Bongbong Marcos na magpaliwanag sa Presidential Electoral Tribunal o PET kaugnay ng show cause order sa revision of ballots noong 2016 Vice Presidential race.
Ayon sa Spokesman ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez-naghahanda na sila ng sagot sa show cause order ng PET para ipaliwanag ang kanilang panig kung bakit hindi kailangang patawan ng contempt.
Kasabay nito, ikinatuwa ng kampo ni Marcos ang pagbasura ng PET sa mosyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo na humihirit na ikunsiderang valid ang mga boto na mayroong 25% na shade ng balota.
Samantala, tumanggi muna si Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, na magkomento sa show cause order ng PET.
Pinagpapaliwanag ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang kampo nina Marcos at Robredo dahil sa pagsisiwalat ng update sa nagpapatuloy na manual recount ng mga boto sa pagka-Bise Presidente noong May 2016 Elections.