Kris Aquino, ni-reject ang isang suitor sa Instagram; sinabihan niyang fake

Ni-reject ni Kris Aquino ang isang lalaking netizen matapos nitong manghingi ng permiso na ligawan siya sa Instagram.
Nag-comment si @mandi_monaco, isang OFW mula sa United Kingdom at sinabing umaasa itong maging “da one” ni Kris.
“Hi, Ms kris kamusta pwed ba kitang ligawan kung papayag ka im a Simple guy lng ako ofw egnr. pero nag nurse dito sa UK. Bka ikaw na yung da one ko kc pareho tayo lagi niloloko iniiwan. Kapag ako minahal mo mamahalin kit a hbng buhay promise.”, ayon sa lalaking nag-comment.
Sinagot naman ito ni Kris ng, “no thank you. I saw your feed- i don’t like fakes & your account looks like a ‘troll’ account. Ang bastos pa nung pics. Please, I’m too smart & too pretty para mag attempt kang bolahin pa ako.”
Base sa palitan ng tweets mula sa dalawa, sinabi ni Kris na na-offend siya sa Instagram feed ng lalaki kung saan may di kaaya-ayang larawan ng babae.

Facebook Comments