Manila, Philippines – Gagastusan ng P1.4 Billion ang konstruksyon ng pinakamalaking jail facility ng Bureau of Jail Management and Penology sa Quezon City.
Ayon kay BJMP Chief Jail Director Deogracias Tapayan, kapag natapos ang Bagong QC Jail kaya nito na i-accommodate ang 4,400 inmates.
Aniya, Mabawasan na ang kasalukuyang congestion rate ng male dormitory ng hanggang 71.88 % mula sa 1,373 % at female dormitory ng 53.15% mula sa 1,575.76 %.
Itatayo ang medium rise facility para sa male at female inmates sa 24,223 square meters area sa Payatas Road sa Barangay Bagong silangan.
Kasamang itatayo sa area ang administrative building,multi purpose area,livelihood training facility,motorpool, power genwratoes , garbage collection area at basketball courts.
Kaya na ring pangalagaan ang mga magkakasakit na inmates dahil magkakaroon ito ng laboratory, reception at diagnostics center, diagnostics X-ray room, dental room at central pharmacy.
Base sa datos ng BJMP, ang Quezon City ay pang anim sa pinaka congested na piitan sa Metro Manila kung saan ang Navotas City ang nangunguna sa listahan.
Mula Setyembre 4, 2018, nasa 1,381% na ang congestion rate ng QC Jail kung saan nakakulong ang 4,153 inmates.