Gagawing panibagong DNA testing ng ibang grupo sa labi na natagpuan sa Nueva Ecija at magulang ni Reynaldo De Guzman, walang problema sa PNP

Manila, Philippines – Walang problema sa Philippine National Police kung may ibang grupo ang magsasagawa ng DNA testing sa bangkay na kanilang natagpuan sa isang creek sa Gapan Nueva Ecija at sa magulang ni Reynaldo De Guzman

Si Reynaldo de Guzman ang labing apat na taong gulang na kasama ni Carl Angelo Arnaiz noong gabi nang mapatay umano ng mga pulis si Carl, na iniulat na nawawala.

Ayon kay directorate for operation deputy Dir. Gen. Fernando Mendez kung mayroong kapasidad ang anumang grupo na magsagawa ng confirmatory test para matukoy na accurate ang kanilang ginawang DNA testing ay mas maigi.


Ito ay upang mawala na rin ang pagaalinlangan ng ilang kumukwestyon sa resulta ng DNA testing na ginawa ng PNP.

Sinabi pa ni Mendez na normal procedure ang kanilang ginawang DNA testing dahil noon nakadepende lamang ang mga pulis sa pictures at sa katawan ng biktima.

Sa ngayon, nakatuon aniya ang kanilang imbestigasyon sa pagtukoy kung nasaan si Reynaldo De Guzman alyas Kulot.

Facebook Comments