Pangulong Duterte, kayang patunayan na mayroong bank accounts si Senador Trillanes sa labas ng bansa ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng MalacaƱang na kayang patunayan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong bank accounts si Senador Antonio Trillanes IV sa labas ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, inaasahang maglalabas ng sapat at makabuluhang dokumento si Pangulong Duterte para patunayan ang mga inilutang nitong usapin.

Tiniyak din naman ni Abella na mayroong basehan at mayroong panggagalingan ang mga sinabi ng Pangulo, hindi katulad kay Trillanes na paninira lamang ang ginagawa.


Hindi naman masabi ng MalacaƱang kung kakagat si Pangulong Duterte sa hamon ni Trilalnes na lumagda sa waiver sa Bank Secrecy Law para mabuksan na ang kanyang mga bank accounts.

Facebook Comments