GALING NG PINOY! | Pilipinas, nasungkit ang unang gintong medalya sa Asian Games

Indonesia – Nasungkit ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas para sa women’s 53-kilograms event ng 2018 Asian Games na ginaganap sa Jakarta, Indonesia.

Tinalo ni Diaz ang pambato ng Turkmenistan na si Kristina Shermetova na nakakuha ng silver medal.

Binuhat ng weightlifter na si Diaz ang 207-kilograms para talunin si Shermetova na mayroon lamang total na 206 kgs.


Nakuha naman ni Khambao Surodchana ng Thailand ang bronze na may total lift na 201.

Matatandaang ang 27-anyos na Mindanaoan ang nagdala rin ng kauna-unahang silver medal sa Pilipinas noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

Facebook Comments