SUPPORTIVE | Pagso-solo ni Kathryn Bernardo sa isang pelikula, walang problema kay Daniel Padilla

Manila, Philippines – Walang problema para kay Daniel Padilla na hindi makasama sa isang project ang on-screen partner na si Kathryn Bernardo.

Ayon kay Daniel, suportado niya si Kathryn sa gagawin nitong movie at mas excited pa nga daw siya dahil mag-go-grow daw ito bilang isang aktres.

Dagdag pa ng young actor, hindi naman daw ibig sabihin nito ay buwag na ang kanilang loveteam.


Kailangan lang daw minsan na i-grab ni Kathryn ang pagkakataon kapag dumadating ito upang hindi daw siya magsisi sa huli lalo na at mga bigating artista ang kaniyang makakasama sa pelikula.

Nabatid kasi na may gagawin kasing movie si Kathryn kasama sina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

Facebook Comments