Gandang Lola 2017, kinoronahan sa Navotas

Navotas City – Kasabay ng pagtatapos ng Elderly Filipino Week sa lunsod ng Navotas.

Pinarangalan ang mga nanggagandahang senior citizens sa ‘Gandang Lola 2017’.

Kinoronahan sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco si lola Cristina Gomez, 70-anyos residente ng Barangay San Jose.


Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Tiangco ang papel na ginampanan ng mga nakatatanda sa pag-unlad ng bansa.

Aniya, hindi hadlang ang edad para makapaglingkod sa kapwa.

Maliban sa apat na titulo, namigay rin ang pamahalaang lungsod ng mga minor awards sa mga kalahok ng nasabing patimpalak.

Facebook Comments