Gary Valenciano, nagbahagi ng inspirational message sa mga taong patuloy na lumalaban kontra COVID-19

Isang inspirational message ang ibinahagi ng Filipino singer na si Gary Valenciano matapos magpositibo sa COVID-19 ang kaniyang asawang si Angeli Pangilinan.

Sa isang vlog na ipinost ng aktor ngayong araw, sinabi nito na nasa maayos na kalagayan na ang kaniyang asawa at patuloy ang kanilang komunikasyon sa pamamagitan ng FaceTime dahil nasa magkahiwalay silang kwarto.

Pinayuhan naman ni Gary ang mga taong tinamaan ng COVID-19 at patuloy na nakikipaglaban sa sakit maging ang may mga minamahal na nakakaranas nito.


Advice ng singer maging matatag at laging tatandaan na kasama natin ang Diyos at ang mga taong nagmamahal sa atin na patuloy na nananalangin na tayo ay makalampas sa pagsubok.

Sa ngayon, hinihintay na lang ni Gary ang resulta ng kaniyang RT-PCR swab test na ginawa niya nitong Martes.

Facebook Comments