GASOLINE BOY, SUGATAN MATAPOS MAKABANGGA NG ASO SA BAYAN NG BUGALLON

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang bente tres anyos na gasoline boy matapos itong makabangga ng asong biglang tumawid sa bayan ng Bugallon.
Ang biktima ay nakilalang si Jhon Asido residente ng bayan ng Lingayen.
Naganap ang aksidente pasado alas diyes ng Gabi sa bahagi ng Brgy Poblacion sa bayan ng Bugallon habang minamaneho ng biktima ang kanyang motor ng biglang may tumawid na aso na nabangga nito dahilan upang matumba ito.

Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan at kasalukuyang inoobserbahan. |ifmnews
Facebook Comments