GAZA STRIP | Malawakang protesta, sumiklab matapos ang pagkilala ng US sa Jerusalem bilang capital ng Israel

Manila, Philippines – Mahigpit ngayon ang ipinapatupad na seguridad sa Gaza Strip matapos na sumiklab ang malaking protesta matapos ang pagkilala ni US President Donald Trump na ang Jerusalem ang capital city ng Israel na mariing tinutulan ng Palestine.

Umabot na sa mahigit tatlumpung Palestino na nagprotesta matapos na makasagupa nila ang mga Israeli Forces sa lugar.

Nakaranas din ng mga pagpapalipad ng missiles mula sa Gaza matapos tamaan ang Israeli territory.


Dahil dito ay gumanti ang army at airforce sa pamamagitan ng pag-target sa dalawang terror posts sa Gaza.

Bukod sa Gaza ay isinagawa rin ang protesta sa West Bank kabilang na ang Ramallah, Hebron, Bethlehem at Nablus.

Taong 1967 ng sakupin ng Israel ang Jerusalem sa anim na araw na giyera at inangkin nila subalit hindi ito kinikilala ng international community.

Facebook Comments