Gazini Ganados, pinuri ng mga kongresista

105

Manila, Philippines – Pinapurihan pa rin ng mga kongresista ang ating kandidata sa Miss Universe 2020 na si Ms. Universe-Philippines Gazini Ganados.

Ayon kay Bagong-Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera, “we win as one” pa rin matapos na makapasok sa Top 20 ang Pilipinas.


Nagbigay umano ng panibagong pagkilala at marka para sa bansa si Gazini sa Miss Universe matapos na irampa nito ang eagle-inspired Philippine costume na isa sa pambansang simbolo ng bansa.

Sinabi naman ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun na mula sa simbolo ng agila ay magtutuloy-tuloy ang pag-angat ni Gazini sa pagtutulak nito ng kanyang environment advocacies.

Malaki din ang pwedeng maibigay na impluwensya ni Gazini sa mga environmental bills na isinusulong sa Kamara tulad ng Sustainable Forest Management Bill at Forest Studies and Development Center Bill.

Facebook Comments
From Advertisers