GDP growth ng Pilipinas noong huling quarter ng 2019, umabot sa 6.4 percent 

Naabot ng Pilipinas ang 6.4 percent na paglago ng ekonomiya para sa 4th quarter ng 2019.

 

Base ito sa tala ng National Economic and Development Authority (NEDA) kung saan ang pinakamalaking ambag sa paglago ng ekonomiya ay ang services sector ng bansa.

 

Sa kabila nito, bigo naman ang gobyerno na makamit ang target growth rate na 6 percent hanggang 6.5 percent para sa taong 2019 dahil umabot lang sa 5.9 percent ang naitalang growth rate.


 

Sa ngayon, ito ang naitalang pinakamabagal na growth rate sa nakalipas na walong taon.

Facebook Comments