Gen. Bantag at Jail Officer Zulueta, pinalalantad na ng pamilya Mabasa

Hinamon ng pamilya Mabasa sina suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at Jail Officer Ricardo Zulueta na magpasailalim sa proseso ng batas.

Ayon kay Roy Mabasa, kapatid ni Percy Lapid, sa ganitong paraan aniya ay malilinis ang pangalan nina Bantag at Zulueta.

Aniya, maraming dapat sagutin ang dalawa sa kaso ng pagpatay sa kanyang kapatid.


Kinumpirma naman ni Roy Mabasa na mula noong nakaraang linggo ay wala na silang natatanggap na pagbabanta sa kanilang buhay.

Gayunman, hindi pa rin aniya sila nagre-relax dahil patuloy pang nakalalaya ang mga principal o mga mastermind sa pagpatay kay Ka Percy.

Facebook Comments