GENDER EQUALITY AT PAGPROTEKTA SA BAWAT SEKTOR, PINALAKAS NG DAGUPAN

Pinalalakas ng Dagupan City ang kakayahan ng mga kasapi ng Gender and Development o GAD Focal Point System, para mas mapalawak ang gender-responsive na serbisyo sa lungsod.

Isinagawa ang gender analysis and tools training noong Setyembre 15 at 16 sa CMO conference room, na nakatuon sa gender mainstreaming, gender analysis, at pagpapatibay ng mga programa at serbisyong kumikilala sa pangangailangan at karapatan ng bawat sektor.

Pinangunahan ang pagsasanay ni ms. Vichel Juguilon-Pangan, miyembro ng Philippine Commission on Women National GAD resource pool.

Kabilang sa mga tinalakay ang mga paraan at estratehiya upang mas maging gender responsive ang mga programa, proyekto at aktibidad ng lungsod.

Isinagawa rin ang mga workshop gamit ang iba’t ibang GAD assessment at evaluation tools, kabilang ang GFPS functionality assessment tool, gender mainstreaming evaluation framework, at harmonized gender and development guidelines.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga kawani sa gender equality at gender mainstreaming, upang maisulong ang mas inclusive at makatarungang serbisyo para sa mga mamamayan ng Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments