Makakaboto na sa mga susunod na eleksyon si retired Army Major General Jovito Palparan Jr., matapos na makapagparehistro sa idinaos na special satellite registration ng Commission on Elections (COMELEC) sa New Bilibid Prisons (NBP).
Si Palparan ay nakulong dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006.
Kuwalipikado na magparehistro sa eleksyon si Palparan kahit ito ay na-convict dahil inaapela pa nito ang hatol na guilty laban sa kaniya ng Malolos court.
Kinuhanan ng COMELEC personnel si Palparan ng biometrics o ng kaniyang larawan, thumbmark at lagda bilang bahagi ng voters registration.
Inilipat si Palparan sa Bilibid noong 2018 mula sa military detention.