Kadiwa Store ng Bureau of Plant Industry sa Maynila, dinagsa ng mga nais bumili ng sibuyas

Dinagsa ng mga nais bumili ng sibuyas ang Kadiwa sa Bureau of Plant Industry (BPI) sa Malate, Maynila.

Ilang mga mamimili ang naghintay pumila pa ng higit apat na oras para lamang makabili ng mga murang sibuyas.

Anila, ayos lamang na maghintay sila nang matagal dahil malaki ang kanilang matitipid.


Sa Kadiwa sa BPI, makabibili ng mga pula at puting sibuyas sa halagang P170 kada kilo, pero limitado lamang ito sa tatlong kilo kada customer.

Para maging organisado at maiwasan ang kaguluhan ay naglatag na rin ng upuan para sa mga naghihintay na mamimili.

Facebook Comments