Sa General Santos, pinaghahandaan na ng Gensan City Police Office ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte dito sa Gensan ngayong araw.
Daan-daang mga police mula sa Gensan City Police Office at Police Regional Office 12 ang idineploy sa buong lunsod para masiguro ang seguridad ng pangulo.
Ayon kay Police Col. Aden Lagradante, City PNP Director ng Gensan City Police Office hindi naman kumpermado kung anong oras dadating ang pangulo sa Gensan, pero kahapon palang ng hapon ay nakaposisyon na ang lahat ng mga police na magbabatay sa seguridad ng buong Gensan.
Napag-alaman na pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbigay ng certificate of land ownership award sa aabot ng 13,000 agrarian reform beneficiaries sa General Santos City na gagawin sa Gensan City Gymnasium.
Aabot naman sa 24,000 Hectares na lupa ang mapupunta sa 13 libong mga binipisyaryo.
Kung matatandaan na nilagdaan ni President Rodrigo Duterte noong Feb. 15, ang EO 75 na nag-uutos sa mga Government Agencies na i-identify ang mga lupa ng gobyerno na pweding gamitin sa agrikultura para ipamigay sa mga qualified beneficiaries.