Tangkang pag-atake ng ISIS sa Britanya – Nabunyag

16

BRITAIN – Nabunyag ang tangkang pag-atake ng grupong ISIS sa Britanya.

 

Batay sa isang British anti-terrorism expert, isang malaking banta sa mga lungsod sa britanya ang naka-umang at hindi ito maaaring balewalain.

 

Ayon kay Atty. Max Hill, isang British anti-terrorism expert – malaki ang posibilidad na maglunsad ng mga pambobomba, pamamaril o anumang uri ng terror act ang ISIS anumang araw.

 

Maaari anyang matulad ang sitwasyon ng Britanya sa France o Germany na makailang beses tinarget ng mga terorista.



Facebook Comments