Saturday, April 20, 2024

GF ni Jang Lucero, itinanggi ang alegasyong siya ang nasa likod ng pagpatay sa nobya

Nanindigan ang karelasyon ni Jang Lucero na wala siyang kinalaman sa karumal-dumal na pagpatay sa babaeng driver.

Giit ni Meyah Amatorio, hindi raw dapat naniniwala sa “fake news” ang pamilya ng biktima na inakala niyang kakampi niya sa pagkamit ng hustisya para sa namayapang nobya.

“Ito po ‘yong kamay ko, ‘yong sinasabi niyo pong may sugat na namamaga. Patunayan niyo po, anang Amatorio nang makausap ng isang mamamahayag.

Nanawagan din siya sa mga netizen na ihinto na ang pag-atake, pananakot, at pagbabanta sa kaniya at kaniyang mga mahal sa buhay dahil labis na raw silang nasasaktan at nangangamba.

Masama na raw ang tingin sa kanila ng mga kalugar dulot ng insidente.

Gabi ng Hunyo 28 nang matagpuang duguan at wala nang buhay si Jang Lucero sa loob ng kaniyang sasakyan sa Bucal Bypass Road, Calamba, Laguna. Lumabas sa paunang imbestigasyon na nagtamo ng higit 50 saksak ang babaeng driver.

Facebook Comments