Gilas 3X3 players, kasali na sa pag-eensayo ng PBA

46

Balik ensayo na para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang apat na miyembro ng Gilas Pilipinas na sumabak sa FIBA 3X3 Olympic Qualifying Tournament (OQT) noong nakaraang buwan.

Kabilang dito sina Joshua Munzon na No.1 overall pick sa draft ngayong taon, CJ Perez at Mo TauTuaa ng San Miguel Beer, at Alvin Pasaol ng Meralco.

Sumailalim ang mga manlalaro sa quarantine period bago makasali sa practice games ng PBA.


Sumabak ang mga nasabing manlalaro sa OQT noong Mayo sa Graz, Austria ngunit nabigong manalo kontra sa Slovenia, France, Dominican Republic at Qatar.

Facebook Comments