P65-B na multi-purpose loan, naipamahagi sa higit 250,000 na miyembro ng GSIS

64

Umabot na sa P65 billion ang naipamahagi ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga miyembro nito sa ilalim Multi-Purpose Loan (MPL).

Ayon kay GSIS President Rolando Macasaet, 250,783 na miyembro ng ahensya ang nakinabang sa MPL simula ng inilunsad ang programa noong Oktubre 2020.

Ang GSIS – MPL ay ang pinagsamang utang ng lahat ng service loans at waives surcharges sa lahat ng default loan accounts.


Kaugnay nito, aabot lamang sa 7 hanggang 8% ang low interest rate ng GSIS – MPL.

Facebook Comments