Pagpanaw ni PNoy, malaking kawalan – Singapore Prime Minister Lee Hsien

148

Inihayag ni Singapore Prime Minister Lee Hsien na isang malaking kawalan ang pagpanaw ni dating Pangulo Benigno Aquino III.

Ayon kay Lee, nakikiisa siya sa pagdadalamhati ng mga Pilipino sa pagkawala ng dating pangulo.

Inilarawan ni Lee ang dating pangulo bilang isang matatag na pinuno na pinagsilbihan ang publiko.


Nagbalik tanaw rin ito sa pagkikita nila ni PNoy sa Singapore noong 2014 para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ar Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Facebook Comments