Patay dahil sa pagbaha sa Northern Vietnam, umakyat na sa 26

Vietnam – Umakyat na sa 26 ang patay dahil sa pagbaha sa Northern Vietnam.

Dahil ito ng patuloy na pag-ulan simula pa noong Huwebes.

Bukod sa mga nasawi, labing-limang iba pa ang nawawala.


Aabot naman sa 940-billion dong o 2.08-bilyong piso ang pinsala sa apat na probinsyang naapektuhan ng flash flood at landslide.

Sira rin ang mga pananim sa lugar, habang nasa 600 bahay ang nasira.

Facebook Comments