Gilas Pilipinas, itinuturing na malaking hamon ang pakikipagharap nila sa basketball team ng South Korea sa nagpapatuloy na 39th Willaim Jones Cup

Sports – Positibo ngayon si Barangay Ginebra Coach Tim Cone na made-depensahan nila ang korona sa PBA Governor’s Cup.
Ito’y matapos bumalik sa kanilang line-up ang big man na si Greg Slaughter na ilang buwan ding hindi nakalaro dahil sa tinamong injury sa tuhod.
Sa naging tune-up game ng Ginebra sa Star Hotshots kahapon, nakakuha si Slaughter ng 13-points sa loob ng tatlong quarters kung saan nanalo sila sa score na 107-85.
Para kay Cone, sa pagbabalik ng 6-foot-11 na si Slaugther siguradong malaking tulong ang maibibigay nito upang makuha muli nila ang kampeonato.

Facebook Comments