Gilas Pilipinas, maagang paghahandaan ang 2017 FIBA Asia Cup

49

Manila, Philippines – Maagang paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang 2017 FIBA-Asia Cup na gaganapin sa Lebanon sa Agosto.
Ito’y matapos na magkampeon ang national team sa katatapos na 2017 SEABA Championship ng talunin nila ang Indonesia 97-64.
Ayon kay Gilas Head Coach Chot Reyes, na mamahinga lamang sila ng ilang araw at sila ay agad na sasabak sa ensayo para sa parating na torneo.
Bukod sa mga manlalaro, pinasalamatan din ni Reyes si dating Gilas player Jimmy Alapag na katuwang niya sa coaching staff para manguna sa naturang torneo.
DZXL558

Facebook Comments