Gilas Pilipinas, susubukan pa ring makakuha ng isang panalo sa kanilang natitirang laro

Target ngayon ng Gilas Pilipinas na magkaroon ng isang panalo sa pagtatapos kanilang kampanya sa nagpapatuloy na FIBA Basketball World Cup sa Beijing, China.

Makakalaban nila ang iran na hangad din na makaisa ng panalo.

Katulad ng gilas, 0-4 din ang standing ng Iran na dating kampyon sa Asya.


Inaasahan naman ng Gilas na mahihirapan sila dahil makakaharap nila ang beteranong sentro ng Iran at dating NBA Player na si Hamed Haddadi.

Matatandaang dalawang beses nang tinalo ng Iran ang koponan ng Gilas bago pa man ang nagaganap ngayong tournament.

Facebook Comments