Gilas Pilipinas, target ang ika-apat na sunod na panalo sa 2017 SEABA Championship sa magiging laban mamaya kontra Thailand

181

Manila, Philippines – Target ngayon ng Gilas Pilipinas na makuha ang malinis na 4-0 na record sa magiging laban nila mamaya sa national team ng Thailand sa nagpapatuloy na 2017 SEABA Championships.

Ayon kay Coach Chot Reyes, hindi niya muling hahayaan ang mga lapses na nagawa ng mga players ng gilas kaya’t sisikapin nila na hindi na ito mangyayari sa laro kontra Thailand.


Sa pinakahuling standing ay kapwa nasa unang puwesto ang Pilipinas at Indonesia na may tatlong panalo at wala pang talo.

Nasa pangatlong puwesto naman ang thailand na mayroong dalawang panalo at isang talo habang pang-apat ang Vietnam na may isang panalo at isang talo.

Wala pa namang panalo ang Malaysia na may tatlong talo habang dalawang talo naman ang Singapore at Myanmar.
DZXL558

Facebook Comments