Iza Calzado, todo-todo ang pasasalamat sa mga dumalo sa kaniyang special celebrity block screening sa movie nitong “Bliss”

214

Manila, Philippines – Abot-abot ang pasasalamat ni Iza Calzado sa mga dumating sa kanyang special celebrity block screening sa pelikulang *Bliss* na kanya ring pinagbibidahan.

Dumalo sa nasabing screening ang ABS-CBN executives na sina Charo Santos–Concio at Malou Santos… kabilang na rin ang mga kaibigang artista na sina Vice Ganda, Bianca King, Zia Quizon, Tim Yap at Raymond Gutierrez.


Tumatak din ang performance ni Iza kaya’t nanalo siya bilang best performer sa Osaka Film Festival sa Japan.

Lubos ang pasasalamat ni Iza sa kanyang bff na si Karyl na todo suporta sa kanya dahil ito rin ang nag-convince sa kanya na mag-imbita ng mga kaibigang celebrities.

Ito daw ang paraan ni Karyl sa pagtulong sa kaibigan na passionate sa kanyang nagawang pelikula.

Umaasa naman ang magkaibigan na magkakasama silang dalawa sa isang proyekto.




Facebook Comments