Janno Gibbs nakasalubong si Willie Revillame, binigyan ng jacket

1283
Image via Instagram / Janno Gibbs

Tila nakagawian na ng TV host Willie Revillame ang pamimigay ng jacket, hindi lang sa show niyang Wowowin at para sa masa, kundi pati na rin sa mga kasamahan niya sa showbiz!

Ibinahagi ng singer at aktor na si Janno Gibbs sa Instagram ang “bigyan ng jacket!” moment niya nang makasalubong sa mall habang nagsho-shopping si Kuya Will.


“‘Bigyan ng jacket yan!’ Nakasalubong ko si Willie Revillame while shopping.”

Nakipagkuwentuhan pa raw ang host bago tuluyang magpaalam.

Pero ilang sandali lang ay bumalik ito para alukin ng regalo si Gibbs, na tinanggihan naman ng singer.

“Tinanong ano daw gusto ko. Sabi ko wag na. Mapilit sya. Inutusan ang saleslady ‘Bigyan ng jacket yan!'”



Humirit pa ang singer ng “salamat pare. Ikaw na nga.”


Kilala si Revillame o Kuya Will sa pamimigay nito ng jacket sa contestant at audience sa game show niyang Wowowin.

Facebook Comments