GINANG, NATAGPUANG WALA NANG BUHAY SA LOOB NG KANYANG BAHAY SA BINMALEY

Isang senior citizen na ginang ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Amancoro, Binmaley, matapos bulabugin ng masangsang na amoy ang mga residente sa lugar.

Ayon sa mga kapitbahay, ang amoy ay nagmumula sa bahay ng biktima kaya’t agad nila itong iniulat sa mga awtoridad. Nang pwersahang binuksan ng mga awtoridad ang bahay, natagpuan ang bangkay ng ginang sa kanyang sariling kwarto.

Batay sa ulat, dumaranas ng sakit sa puso at rayuma ang biktima at umiinom ng maintenance na gamot. Wala rin siyang kasama sa bahay nang maganap ang insidente. Huling nakita ang biktima noong Disyembre 31.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments