DALAWANG TRAFFIC ENFORCER SA LINGAYEN, NAGBALIK NG NAWAWALANG WALLET

Pinuri ang dalawang traffic enforcer ng mga netizens matapos nilang maibalik ang isang nawawalang wallet na natagpuan sa bayan ng Lingayen.

Napulot ni POSO Traffic Enforcer Martinez at De Guzman ang wallet na naglalaman ng pera at mga importanteng dokumento, habang sila ay naka duty.

Matapos ang paghahanap, natagpuan ang may-ari ng wallet na si Rolando Ruiz na nagpasalamat sa mga enforcer dahil sa kanilang katapatan at malasakit na naibalik sa kanya ang kanyang mga gamit.

Hinahangaan ngayong dalawa ang POSO Traffic Enforcer sa bayan sa kanilang ipinamalas na katapatan, integridad at kabutihang loob na nagsisilbing inspirasyon sa iba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments