Ginang sa Gamu Isabela, Arestado sa Kasong Panghuhuthot!

Gamu,Isabela – Inaresto ng mga alagad ng batas ang isang ginang sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong panghuhuthot nito sa District 2, Gamu, Isabela.

Sa pahayag ni Police Chief Inspector Richard Limbo, hepe ng Gamu Police Station, kinilala ang akusado na si Mayerline Felipe Remot, tatlumpu’t walong taong gulang, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Aniya inihain ni presiding judge Isaac De Alban ng RTC Branch 11 Ilagan City Isabela ang kasong swindling laban kay Remot.


Makakalaya lamang umano ang akusado kung makakapaglagak ito ng piyansa na nagkakahalaga ng walumpung libong piso (Php80,000.00).

Kaugnay nito ay dinala na sa Isabela Provincial Hospital si Remot para sa physical examination nito at nakatakdang dadalhin sa korte sa darating na araw ng lunes, October 8, 2018.

Facebook Comments