Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang singkwentay uno anyos na ginang matapos itong pagsasaksakin ng isang Barangay Kagawad sa San Carlos City.
Ang biktima ay nakilalang si Gina Perez, samantalang ang suspek ay nakilalang si Balaya, Barangay Kagawad Milan Castro.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na naganap ang pananaksak pasado alas singko ng hapon habang kausap ng biktima ang kapatid nito ng dumating ang suspek.
Dito na nagkaroon ng komosyon at nagbanta pa umano ang suspek na papatayin nito ang biktima.
Kinaladkad pa nito saka hinampas ng upuan ang biktima at nang hindi makuntento ay kumuha ng patalim at pinag sasaksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima.
Naisugod naman ito sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan habang naaresto naman ang Barangay Kagawad kasama ang patalim na ginamit nito sa pananaksak. |ifmnews
Facebook Comments