DAHIL SA SELOS | Babaeng Chinese, chinap-chop sa Makati City

4167

Makati City – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang Chinese national makaraang mapatay ng kapwa Chinese sa Barangay Bel Air Makati City.

Natagpuan sa loob ng maleta ang chop-chop na katawan habang nilagay naman sa isa pang bag ang ulo nito.

Kinilala ang biktima na si Wang Yalei, 26-anyos.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar selos ang isa sa posibleng motibo sa pag patay.

Sa kwento ng suspek na si Zhang Chuning 22-anyos nagkagusto siya sa nobya ng biktima.

Nabatid na nag-inuman muna ang biktima at suspek kasama ang 3 pang Chinese national na sina Zhang Cha Quan, Wang Xue at Zhang Yi Xi.

Sa loob ng condo ng suspek sa unit 1116, 11th floor, The Lerato Residence Tower 1, Malugay Street, Barangay Bel-Air, Makati City.

Nang malasing sinaksak ang biktima ng 10 beses, dinala sa banyo at doon chinop-chop.

Nadiskubre ng housekeeping ang mga duguang gamit tulad ng tissue at kutsilyo kaya at sinilip ang kuha ng CCTV.

Nakita ang 22-anyos na suspek na siyang may dala ng nabanggit na gamit kaya at pinuntahan ito ng mga otoridad sa kanyang condo unit.

Hindi naman makapaniwala ang kaanak sa sinapit ni Wang Yalei.

Facebook Comments