Ginawang hydrogen bomb test ng North Korea, ikinabahala ng Dept. of Foreign Affairs

Manila, Philippines – Ikinabahala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ginawang hydrogen bomb test ng North Korea.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, itinuturing na banta sa kapayapaan ang ginawang hakbang ng Pyongyang.

Nililimitahan ng Hilagang Korea ang mga opsyon sa makabuluhang diyalogo para maresolba tensyon sa Korean Peninsula at binabalewala nito ang commitment sa United Nations Security Council Resolutions.


Inatasan naman ng kalihim ang embahada ng Pilipinas sa Seoul na ihanda ang mga contingency plans para sa repatriation ng nasa 65,000 Pilipino na nakatira at nagtatrabaho sakaling humantong sa giyera ang sitwasyon sa rehiyon.

Pinayuhan din ng DFA ang mga Pilipino sa South Korea na i-monitor ang social media accounts ng Philippine Embassy para sa mga emergency alerts at advisories.

Facebook Comments