Manila, Philippines – Maituturing na pagtataksil sa bansa ang ginawang pagsusumbong ni Vice President Leni Robredo sa United Nations sa pamamagitan ng isang video tungkol sa “umano’y” extra judicial killings sa Pilipinas.
Sabi ni Interior and Local Government Asec. Epi Densing, bukod sa pagtataksil ni Robredo ay labag din ang ginawang pagsasalita ni Robredo hinggil sa human rights violations ng administrasyong Duterte.
Aniya, hindi pa naman kasi kumpirmado ang mga ito.
Maituturing din aniyang economic sabotage ang hakbang ni Robredo lalo’t marami ng grants ang nawala at binawi ng ibang bansa dahil sa mga balita ng paglabag ng pamahalaan sa karapatang pantao.
Ang naturang video ni Robredo ay ipinalabas kahapon sa 60th United Nations Commission on Narcotic Drugs Annual Meeting sa Vienna.